𝟭𝟴𝟱 𝗡𝗔 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗘𝗗 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗔𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nasa 185 na mga aspiring certified public accountant sa buong rehiyon uno ang nakatakadang sumabak sa isasagawang Accountants Licensure Exam ng Professional Regulation Commission (PRC) Region 1 sa Disyembre.

Tatlong araw na isasagawa ang naturang eksaminasyon mula December 6, 7, at 8, 2024 sa sa Carmay Elementary School, Brgy. Carmay East, Rosales, Pangasinan.

Nagbigay abiso ang tanggapan sa mga kakailanganin na dalhin ng mga sasailalim sa naturang eksaminasyon upang hindi na magkaroon ng aberya sa mismong araw o iskedyul.

Inabisuhan ang mga kukuha ng pagsusulit na dalhin ang kanilang Notice of Admission (NOA), isang piradong metered-stamped window mailing envelope, No. 2 Pencil o lapis, black ballpen, non-programmable calculator, isang pirasong long brown envelope, at isang pirasong non-colored long plastic envelope na siyang paglalagyan ng mahahalagang gamit, baon na dapat ay nakalagay sa transparent bag o plastic, at tubig.

Dapat rin umano na basahin ng mabuti ang nakapaloob sa naturang notice of admission bago sumailalim sa eksaminasyon.

Maaari naman na makipag-ugnayan sa PRC R1 kung sakaling may katanungan o may nais pang malaman na impormasyon ukol sa naturang eksaminasyon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments