Umabot na sa higit 19 milyong halaga ang naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa mga apektadong pamilya sa rehiyon bunsod ng pananalasa ni Bagyong Carina.
Ayon sa ahensya, sa nasabing halaga kabilang dito ang 25,022 na family food packs, 162 hygiene kits at 158 sleeping kits.
Sa huling tala ng kagawaran nasa higit 92,000 na ang bilang ng mga apektadong pamilya sa rehiyon o katumbas ng higit 343,000 na indibidwal sa 955 na barangays. Nasa 241 na kabahayan din ang nasira ng Bagyong Carina sa rehiyon.
Samantala, tiniyak ng kagawaran na magtutuloy-tuloy ang relief operations ng ahensya sa mga apektadong pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments