𝟮 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗔𝗕𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng tulong mula sa DSWD Field Office 2 ang dalawang pamilya na nasunugan ng tirahan sa Lalawigan ng Isabela.

Mula sa bayan ng Angadanan, Isabela, isang pamilya na binubuo ng limang indibidwal ang nabigyan ng food at non-food items na nagkakahalaga ng mahigit P29-K.

Bukod dito, nagpaabot din ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P20-K ang LGU Angadanan.


Samantala, isang pamilya rin sa Ramon, Isabela na binubuo ng walong indibidwal ang nabigyan ng LGU Ramon ng tulong pinansyal at nagkakahalaga naman sa P32-K na food at non-food items ang ibinahagi ng Kagawaran.

Facebook Comments