Naging matagumpay ang isinagawang ikalawang general assembly ng Philippine Councilors League Pangasinan Chapter na isinagawa sa Tagaytay.
Sa naging panayam ng iIFM Dagupan kay PCL Pangasinan Chapter Secretary General Aldrin Soriano , isinagawa ito ng tatlong araw kung saan ay iba’t ibang aktibidad ang isinagawa.
Kasabay din nito ang pagkilala sa mga Municipal at City Councilors maging ng mga outgoing Liga President sa mga Brgy. Captains at SK Federation Presidents.
Aasahan aniya ang magandang plano para sa mga taga Pangasinan at pagbubutihin pa ng PCL Pangasinan Chapter ang serbisyo sa mga Pangasinense.
Ilan sa mga dumalo sa nasabing assembly ay sina Senator Francis Tolentino at Senator Christopher Bong Go. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments