๐Ÿฎ๐Ÿฌ ๐—›๐—˜๐—ž๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—  ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—œ๐—ก๐—” ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—–๐—˜๐——๐—˜๐—ฆ, ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—•๐—ข๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—›๐—”

CAUAYAN CITY- Nalubog sa baha ang mahigit dalawampung hektarya ng pananim na mais sa Brgy. Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Zoom Deculing, Kagawad sa nabanggit na barangay, ilan sa mga mais na ito ay hanggang tuhod na ang laki kung saan malaking pagkalugi ang dulot nito sa mga magsasaka.

Aniya, agad naman na nila itong ini-report sa Lokal na Pamahalaan ng Reina Mercedes upang mabigyan ng kaukulang tulong ang mga apektadong magsasaka.


Bagama’t nalubog sa baha ang ilang sakahan ay nagpapasalamat naman si Kagawad Deculing dahil walang bahay ang nalubog sa baha nalunod o naanod na mga alagang hayop.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang monitoring ng Brgy. Turod sa ilog katuwang ang MDRRMO at PNP Reina Mercedes.

Facebook Comments