𝟮,𝟬𝟬𝟬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗕𝗔𝗚𝗦, 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗔𝗧 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Masayang tinanggap at ipinamahagi kamakailan lamang sa mga Grade 1 student ang 2,000 school bags na naglalaman ng notebooks, lapis, papel, at crayons upang mabigyang importansya ang edukasyon at suliranin sa kagamitan sa pag-aaral.
Maliban sa school supplies, mayroon ding hygiene essentials tulad ng hand soap at toothpaste at dala dala rin ang isinusulong na #GoodbyeGutom Feeding Project and “You’re the Apple of My Eyes” program sa pagbibigay ng masarap at masustansyang arrozcaldo at fresh apples.
Ilan sa mga paaralang nabiyayaan ang mga eskwelahan tulad ng Bolosan Elementary School, Mamalingling Elementary School, Tambac Elementary School, at Pogo Lasip Elementary School.

Ang nasabing proyekto ay bilang parte sa #Ambag sa Dagupan na makakatulong sa bawat mamayan ng sa ganun ay maiwasan ang suliranin at kahirapan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments