๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ž๐—˜๐—›๐—ข๐—Ÿ๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—จ๐— , ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ

Cauayan City – Naging matagumpay ang pagsasagawa ng dalawang araw na Stakeholders Forum sa Rehiyon Dos ngayong taon.

Nagtipon-tipon upang makilahok sa naturang programa ang 700 indibidwal na mula sa iba’t-ibang mga stakeholders sa buong lambak ng Cagayan.

Sa isinagawang forum, nagkaroon ng sharing of best practices, pagbabahagi ng success stories ng mga natulungan ng iba’t-ibang mining companies, at pagpapaalala kaugnay sa tama at responsableng pagmimina.


Bihira ang magkaroon ng pagkakataon na magsama-sama ang iba’t-ibang mining companies sa buong Rehiyon kaya naman malaking tulong ito upang maibahagi nila sa publiko kung paano nakatutulong sa komunidad ang responsableng pagmimina.

Samanta, lubos na pinasalamatan ni Oceanagold Philippine Incorporated President Atty. Joan Cattiling ang Mines and Geosciences Bureau – DENR dahil sa pagkakataong ito.

Facebook Comments