Isinagawa ang distribusyon ng 20,500 pesos na pang tuition ng mga 781 na scholar ng Dagupan City.
Tinanggap ng mga estudyante ang scholarship grant kasama ang kanilang magulang o guardian.
Ang mga scholars ng lungsod ay nakapasa sa mga kwalipikasyon na inilatag ng lokal na pamahalaan.
Handa naman ang lokal na pamahalaan na tulungan ang mga scholars hanggang sa makatapos ang mga ito sa kanilang pag-aaral.
Ang lungsod ay mayroong limang libong scholars.
Inaasahan naman na isasagawa ang distribusyon ng ayuda para sa susunod na batch ng mga scholars matapos maglaan ng 200 milyong piso pondo ang lokal na pamahalaan para sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments