𝟮𝟯𝟭𝗞 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗭𝗢𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢

Arestado sa magkahiwalay na buy bust operations ng pulisya ang tatlong katao sa Pozorrubio, Pangasinan.

Unang nahuli ang 28 anyos na residente ng Sta. Maria kung saan nakuha mula sa kaniya ang 29 na gramo ng droga na nagkakahalaga ng 197,000.

Nakuha rin mula sa kaniya ang isang pistol na naglalaman ng dalawang bala. Timbog din ang dalawang kalalakihan sa bayan matapos makuha sa kanila ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 34,000.

Sinampahan na ang mga ito sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments