𝟮𝟰 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬

CAUAYAN CITY- Nagbigay ng tulong hanapbuhay ang Department of Labor and Employment sa 24,000 magsasakang apektado ng El Niño sa Rehiyon Dos sa pamamagitan ng TUPAD program.

Kasalukuyan ang isinasagawang profiling ang naturang ahensya sa mga manggagawa ng sektor ng agrikultura na apektado ng El Niño.

Kabilang rin sa datos ang mahigit 2,000 magsasaka na bahagi ng Irrigator’s Association ng National Irrigation Administration.


Ayon kay NIA Regional Manager Raymundo Apil, malaking kawalan sa kita ang naging epekto ng El Niño sa mga magsasaka dahil sa kakulangan ng tubig.

Samantala, tatanggap naman ng P4,500 ang bawat benepisyaryo lung saan maglilinis sila ng sampung araw sa mga irrigation canals.

Facebook Comments