𝟮𝟰 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗞𝗨𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗛𝗘𝗠𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡𝗦 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Naglabas na ng abiso ang Professional Regulations Commission (PRC) Regional Office 1 para sa nakatakdang pagsasagawa ng Chemical Technicians Licensure Examination sa darating na October 16.

Nasa dalawampu’t-apat na mga examinees mula sa Region 1 ang kukuha ng eksaminasyon na gaganapin sa PRC RO1 Testing Rooms sa Brgy. Carmay East, Rosales, Pangasinan.

Paalala ng ahensya sa mga kukuha ng pagsusulit na alamin ang panuntunan sa naturang examination. Kabilang na rito ang pagdadala ng kanilang Notice of Admission, pencils No. 2, black in ballpen, isang piraso ng long brown envelope, at transparent plastic envelope at basic calculator. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments