
โCauayan City – Bilang tugon sa pagdami ng kaso ng mental health sa rehiyon, patuloy ang paglulunsad ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa 24/7 mental health crisis hotline para sa agarang tulong sa Cagayan Valley at karatig-lalawigan.
โAyon kay Dr. Ethel Pagaddu, Medical Officer II ng Department of Behavioral Medicine ng CVMC, bukas ang hotline sa tawag anumang oras, lalo na para sa suicidal ideation at pangangailangang gabay sa mental health.
โMaaaring tumawag ang mga taong nangangailangan ng professional intervention sa numerong 0929-646-2625 at 0967-125-7906.
โPinalakas din ng CVMC ang community-based approach sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa municipal at barangay health stations, at pagpapatupad ng referral system para sa mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang interbensiyon.
โSamantala, sinabi naman ni psychologist Evangeline Fajardo na ang pinakakaraniwang sanhi ng mental health issues ay suliraning pinansyal, relasyon, pamilya, at emosyonal na stress, at pinaalalahanan ang mga magulang na maging mapagmatyag at maingat sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak.
โSource: PIA REGION 2
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










