𝟮𝟱 𝗦𝗨𝗡𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗚𝗢 𝗔𝗥𝗠𝗬, 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗔𝗧𝗛 𝗦𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗖𝗘

 

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa parusang kamatayan ang 25 sundalo ng Democratic Republic of Congo’s army matapos tumakas ng mga ito habang kasalukuyan ang labanan sa mga rebeldeng M23.

 

Ang mga nasabing sundalo ay nahatulan din ng kasong theft ng military tribunal matapos magnakaw ng mga pagkain sa isang shop.

 

Maliban pa sa 25 sundalo na nahaharap sa death sentence, isang sundalo rin ang nabigyan ng 10 taong pagkakakulong, habang isa naman ang naabswelto.


 

Noong Marso ay napagdesisyunan na bawiin ng Congo government ang pansamantalang suspensyon ng death penalty kung saan target ng kanilang desisyon ay ang mga sundalong traydor na iniiwan ang kanilang posisyon sa gitna na labanan.

Facebook Comments