𝟮𝟲 𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗧𝗜; 𝟱 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗚

Binigyan ng notice of violation ang limang business establishments sa Pangasinan matapos makitaan ng paglabag sa isinagawang inspeksyon at monitoring ng Regional Enforcement Team (RET) ng Department of Trade and Industry.

Nasa 26 na establisyimento mula sa Calasiao, Malasiqui, Bayambang at Urdaneta City ang sinuri ang kanilang produkto.

Ilan lamang sa tinignan ay ang pagkakaroon ng Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) sa mga produkto.

Ang ilang produkto na sinuri ay walang PS Mark at ICC. Dahil dito, kinumpiska ito ng kagawaran upang maiwasang Malagay sa alanganin ang consumer.

Ilan lamang sa mga produktong ito ay vape products, Christmas lights, construction supplies,gulong, baterya at LPG.

Binigyang diin ng DTI R1 na dapat na mag-comply ang mga naturang establisyimento sa Fair Trade Law kabilang na rito ang Standards Law, Accreditation Law, Business Name Law, Price Tag Law at Vape Law.

Samantala, magpapatuloy ang monitoring ng tanggapan sa iba pang business establishments ngayong papalapit ang holiday season at kaliwat kanan ang pamimili ng mga consumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments