𝟮𝟳 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Nakikipag-ugnayan ang hanay ng kapulisan sa lungsod ng Dagupan sa mga lokal na opisyales sa bawat barangay sa lungsod ukol sa usapin ng ilegal na droga.

Sa kasalukuyan, nasa dalawampu’t-pito (27) pa mula sa tatlumpu’t-isang (31) barangay sa nasabing lungsod ang patuloy na tinututukan ng pulisya kaugnay pa rin sa presensya ng droga.

Apat naman na barangay na kinabibilangan ng Brgy. 1, Tebeng, Mamalingling at Pogo Grande ang idineklara nang drug-cleared barangays.

Sa buong lalawigan ng Pangasinan, mas pinaigting pa ng Pangasinan Provincial Police Office ang pagsasagawa ng mga aksyon ilalim ng kanilang kampanya laban sa droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments