𝟮𝟵 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗞𝗟𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗛𝗔𝗦; 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗥𝗨𝗡 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗦 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗩𝗘𝗡𝗢𝗠

Aabot na sa 29 ang bilang ng indibidwal sa Pangasinan ang natuklaw ng ahas sa loob ng pitong buwan.

Ayon sa provincial government, noong 2023 nakapagtala ng isang daang kaso.

Sa lungsod ng San Carlos isang limang taong gulang ang natuklaw ng ahas na agad namang naturukan ng anti venom mang dalhin sa hospital.

Ayon sa provincial government ng Pangasinan, may sapat na suplay umano ng anti-venom ang government run hospitals sa lalawigan ng Pangasinan matapos itong bumili sa Research Institute for Tropical medicine.

Payo ng mga doktor, kinakailangan ang ibayong ingat dahil maaaring lumilipat ng tirahan ang mga ahas mula sa mga bukid dahil sa preparasyon ng pagtatanim. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments