‎𝟯 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟



‎Cauayan City – Tatlong indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Echague Police Station matapos maaktuhan na nagsasagawa ng ilegal na sugal na paglabag sa Presidential Decree 1602 nitong January 11, 2026 sa Purok 2, Barangay Fugu, Echague.

‎Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Dita”, alyas “Lyn”; at alyas “Tope”, pawang mga residente ng nasabing barangay.

‎Nahuli umano ang mga ito habang naglalaro ng barahang “Tong-its” sa loob ng bahay na nagsisilbi ring tindahan ng isa sa mga suspek.

‎Nasamsam ng mga pulis ang isang kahoy na mesa, tatlong monoblock na upuan, isang baraha, at bet money na nagkakahalaga ng ₱870.00.

‎Matapos ipaalam ang kanilang mga karapatan, dinala ang mga suspek sa Echague Police Station para sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa PD 1602.

‎Muling pinaalalahanan ng Isabela Police Provincial Office ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang ilegal na sugal at patuloy itong tututukan ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad.

‎Source: PNP ISABELA

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments