Friday, February 6, 2026

‎𝟯 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥 𝗗𝗘 𝗘𝗗𝗔𝗗, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗟𝗟𝗣𝗛𝗢𝗡𝗘

‎Cauayan City – Malungkot na trahedya ang bumalot sa Ghaziabad, Uttar Pradesh, India nang mamatay ang tatlong magkakapatid na menor-de-edad – isa ay 16- anyos, 14-anyos, at 12-anyos – matapos tumalon mula sa ika-siyam na palapag ng kanilang tahanan noong Huwebes, Pebrero 4, 2026.
‎Ayon sa ulat, nagsimula ang insidente matapos pagbawalan sila ng kanilang ama na gumamit ng cellphone.
‎Ayon sa mga report mula sa mga local at international media outlet, naging labis ang “addiction” ng mga bata sa Korean dramas, musics, films, at online gaming noong panahon ng ppandemya
‎Dahil dito, nagpasya silang gumamit ng Korean names at huminto sa pag-aaral ng halos dalawang taon.
‎Natagpuan sa loob ng kanilang tahanan ang isang walong pahinang liham na iniwan ng magkakapatid, kung saan humingi sila ng paumanhin sa kanilang ama at ipinahayag ang matinding pagmamahal nila sa Korean culture na hindi raw nila kayang talikuran.
‎Mayroon ding mga mensaheng nakasulat sa dingding ng kanilang kwarto na nagpapakita ng labis na kalungkutan at pag-iisa na kanilang nararamdaman.
‎Ayon sa mga saksi, pinaniniwalaang nadamay lamang sa insidente ang 14-anyos at 12-anyos na kapatid habang sinusubukan nilang pigilan ang kanilang nakatatandang kapatid.
‎Lubos na nagdadalamhati ang kanilang ama, si Chetan Kumar. Ayon kay Deputy Commissioner of Police Nimish Patel, malaki ang impluwensiya ng Korean culture sa mga bata at maaaring nagdulot ito ng matinding emosyonal na reaksyon.
‎Binanggit ng pamilya na ito ay isang trahedya na hindi dapat maranasan ng anumang magulang at anak.
 
‎—————————————
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments