
Cauayan City – Mahigit 200 manggagawa ng TUPAD ang nagsagawa ng reforestation project sa Sitio Agal, San Mariano, Isabela, na layong magtanim at magpanatili ng 30,000 punong namumunga at punong-kahoy sa isang upland area na may malaking potensiyal sa ecotourism.
Kabuuang 219 TUPAD workers ang empleyado sa ilalim ng 90 days na environmental maintenance project na ipinatutupad katuwang ang lokal na pamahalaan.
Saklaw nito ang humigit-kumulang 150 ektarya kung saan itinatanim ang fruit trees, forest trees at kawayan, matapos makaranas ang lugar ng pagputol ng puno at paulit-ulit na grass fire.
Tinatayang nasa 20,000 puno na ang naitanim at patuloy ang maintenance activities, kabilang ang pag-aalis ng damo, pagdidilig, pruning, paglalagay ng organic fertilizer, at pagtatayo ng fire lines upang maiwasan ang sunog sa kagubatan tuwing tag-init.
Kasama rin sa gawain ang waste management, waste segregation at composting.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa climate change mitigation, pag-iwas sa landslide, pagpapanumbalik ng biodiversity, at sa pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng ecotourism, habang nagbibigay rin ng pansamantalang kabuhayan sa mga disadvantaged workers.
Source: DOLE Isabela FO
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










