𝟯𝟭𝟭 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝟰𝗣𝘀 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Aabot sa 311 na pamilya sa Manaoag na benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development ang Nagsipagtapos sa programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps.

Isinagawa ang pagkilala sa mga ito sa Manaoag Sports Complex na layuning mabigyan ng pagkilala ang pagsusumikap ng mga 4ps beneficiaries upang maging self-sufficient.

Sa mensahe ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tiyaga at katatagan sa pagharap sa mga hamon at pagkamit ng tagumpay. Hinimok niya ang mga nagtapos na patuloy na magsikap, magpursigi, at huwag sumuko sa kanilang mga pangarap.

Samantala, isasailalim rin ang mga ito sa monitoring upang kahit wala nang pinansyal na tulong ay maalalayan sila na magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng mga livelihood trainings. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments