Nasa tatlumpu’t dalawang munisipalidad at apat na lungsod sa rehiyon ang nabigyan ng sertipikasyon ng Department of Health Region 1 sa Zero Open Defecation o mayroong malilinis na pampublikong palikuran na nagagamit sa kanilang mga lugar.
Ginawaran ang mga ito sa ginanap na Regional Environmental Health and Sanitation Summit ng DOH Ilocos Region sa Urdaneta City.
Kinilala rin sa naturang kaganapan ang Provincial Sanitary Engineers, Provincial, District, City and Rural Sanitation Inspectors na maigting na nanghikayat at suportahan ang kanilang local environmental health and sanitation partners upang umusad ang pagkamit sa zero open defecation sa kanilang mga saklaw na lugar.
Ang ZOD Program ay naglalayon na magkaroon ng malinis na mga palikuran at mapangalagaan ang kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng ibat ibang Uri ng sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments