𝟯𝟯 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚

Umabot na sa sampung pamilya o katumbas ng 33 indibidwal ang inilikas sa La Union dulot ng pag-uulan na nararanasan dahil sa Bagyong Enteng.

Ang mga inilikas ay mula sa dalawang barangay ng San Fernando City at sa bayan ng Rosario.

Patuloy ang monitoring ng awtoridad sa mga iba pang bayan na nasa low lying areas na maaring maapektuhan ng sama ng panahon habang nakapailalim sa Red Alert status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Nanawagan ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union na maging alerto ngayong panahon ng sakuna at ireport sa awtoridad ang anomang insidente sa kanilang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments