𝟯𝟳𝟱 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗙𝗢𝗥 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

Cauayan City – Dahil sa pagsalanta ni Bagyong Egay noong nakaraang taon, nagkaroon ng calamity intervention kung saan nabigyan ang ilang pamilyang naapektuhan sa munisipalidad ng Santa Marcela, Apayao sa pamamagitan ng cash-for-work schemes.
Halos 375 na benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang sahod sa loob ng 10 araw na pagtatrabaho, katumbas ng P4,000 para sa bawat isa o nagkakahalaga ng P1.5 milyon na kabuuan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng SWAD -Apayao at Municipal Social Welfare and Development Office(MSWDO), kung saan nabigyan ang 7 barangay mula sa San Mariano, Sipa, Imelda, Barocboc, Consuelo, Marcela, at San Carlos.

Ang cash-for-work program ay naglalayon upang bigyan ng trabaho ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng cleanup drive, pagkukumpuni ng mga pasilidad, at pagbibigay ng iba pang serbisyong pangkomunidad sa kani-kanilang mga lugar sa loob ng kanilang mga barangay.
Facebook Comments