Sunday, February 1, 2026

𝟰𝗣’𝗦 𝗦𝗢𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗢𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢

Cauayan City – Kahanga-hangang kuwento ng sakripisyo at pagtitiyaga ang ipinamalas ni Felix Apolog, isang solo parent at benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Barangay Binalian, Kayapa, Nueva Vizcaya matapos niyang mapagtapos sa kolehiyo ang anim na anak sa kabila ng matinding kahirapan at sunod-sunod na pagsubok sa buhay.

Si Felix Apolog ay umasa lamang sa maliit na sakahan at iba pang hanapbuhay tulad ng pamamasada at pagiging panday upang tustusan ang pangangailangan ng pamilya, lalo na matapos pumanaw ang ina ng mga bata noong 2016.

Sa tulong ng 4Ps Education Grant at iba pang scholarship tulad ng TES, NCIP, at TDP, naipagpatuloy ng kanyang mga anak ang kanilang pag-aaral.

Lahat ng anim na anak ni Apolog ay nakapagtapos ng kolehiyo at ngayon ay mga propesyonal na, ang lima ay nasa larangan ng edukasyon, habang ang isa ay nagtapos ng kursong Criminology.

Ayon sa pamilya, malaking tulong ang mga programang pang-edukasyon ng pamahalaan upang makamit ang kanilang tagumpay.

Ang pamilya Apolog ay malinaw na patunay na ang kahirapan ay hindi kailanman hadlang sa tagumpay, at sa pamamagitan ng pananampalataya, sakripisyo, at sipag.

Gayundin ang tulong ng mga programang pang-edukasyon ng pamahalaan na maaaring magbunga ng tagumpay ng bawat benepisyaryo.

Source: Pantawid Pamilya Kayapa

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments