
Cauayan City – Pinalakas pa ng 502nd Infantry “Liberator” Brigade ang kanilang kahandaan matapos lumahok sa kauna-unahang Combined Arms Division Exercise (CADEX).
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng 5th Infantry Division (5ID) at mga yunit nito sa pagtatanggol ng bansa.
Tampok sa pagsasanay ang mission planning, Rehearsal of Concept drill, Tactical Exercise Without Troops, at pagbibigay ng Operational Order para maayos na ma-synchronize ang operasyon ng mga yunit sa simulated na sitwasyon.
Sa pagtatapos ng aktibidad, binigyang-diin ni Major General Gulliver L. Señires, commander ng 5ID, ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagsasanay sa pag-angkop ng Army sa external defense operations.
Nilinaw din ng mga opisyal na ang CADEX ay hindi nakatuon laban sa anumang bansa, kundi bahagi ng tungkulin ng Army na protektahan ang soberanya at mamamayang Pilipino.
Source: 5th Infantry Division
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










