𝟱𝟬𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗢𝗙 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗬𝗘𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢

Humigit kumulang limang daang libong mga debotong Katoliko ang dumagsa sa sa pagdiriwang ng Feast of Minor Basilica of Our Lady of Manaoag, kahapon.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Rosario, kadalasang doble o triple ang dagdag sa bilang ng mga deboto sa tuwing nagaganap ang taunang selebrasyon.

Aniya, inaabangan ng mga mananampalataya ng Simbahang Katoliko ang paglabas sa orihinal na imahe ng Inang Birhen maging ang dagsa sa ginaganap na prusisyon.

Tiniyak ng alkalde na maayos ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa simbahan at mga coordinating agencies tulad ng PNP, BFP, kawani mula sa Provincial Command, mga Force Multipliers at iba pang organisasyon upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga deboto.

Samantala, patuloy na nakaantabay ang mga ahensya kasabay ng pagdagsa ng mga tao sa Our Lady of Manaoag bilang isa ito sa higit na pinapasyalan ng mga bisita at turistang mula pa sa malalayong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments