𝟱𝟵 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜; 𝟭𝟱 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧𝗖𝗟𝗨𝗕 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛 𝗠𝗔𝗖𝗘𝗗𝗢𝗡𝗜𝗔, 𝗘𝗨𝗥𝗢𝗣𝗘

Cauayan City – Naaresto ng kapulisan ang 15 indibidwal matapos ang pagsiklab ng sunog sa isang nightclub sa North Macedonia na nagresulta sa pagkasawi ng 59 na indibidwal.

Ayon sa ulat, tinatayang nasa 500 katao ang nagtipon-tipon sa Pulse Club sa Kocani upang tunghayan ang concert ng DNK, isang sikat na hip-hop duo sa bansa.

Naganap ang sunog bandang 2:30 ng madaling araw noong linggo kung saan lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na nagsimula ang sunog dahil sa spark mula sa pyrotechnic devices na tumama sa ceiling.


Sa halip na iligtas ang kanilang mga sarili, ilan sa mga manonood ang sinubukang apulahin ang apoy.

Samantala, ayon kay Interior Minister Pance Toskovski, wala umanong legal license to operate ng lugar, at iisa lamang ang exit na maaring gamitin dahil ang backdoor ng venue ay naka-locked.

Ayon pa kay Toskovski, sasailalim sa questioning ang mga nadakip dahil mayroon umanong hinihinalang bribery at corruption kaugnay sa sunog.

Kabilang naman sa 59 na nasawi ang miyembro ng banda na si Andrej Gjorgjieski, habang umabot rin sa 155 ang bilang ng injured sa insidente.

 

Facebook Comments