𝟲𝟬 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗣𝗟𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗜𝗚𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗖𝗬

Ipinakalat ang aabot sa higit animnapung pulis sa paligid ng Pangasinan at Dagupan COMELEC Offices ngayong unang araw ng Filing ng Certificate of Candidacy bilang pagsisiguro sa seguridad ng publiko.

Ayon kay Dagupan City Chief of Police PLTCOL Brendon Palisoc, humigit kumulang 60 personnel ang nakadeploy sa dalawang opisina ng COMELEC sa lungsod upang matiyak ang kaayusan ng paghahain ng kandidatura hanggang October 8.

Panawagan ng opisyal ang zero untoward incident sa mga aspiring candidates maging sa supporters ng mga ito upang matiwasay ang isinasagawang aktibidad.

Samantala, asahan umano ang kaliwa’t kanang checkpoints at Oplan Sita na isasagawa ng hanay ng kapulisan sa buong lalawigan ng Pangasinan habang nagpapatuloy ang Filing of Certificates of Candidacy para sa 2025 Midterm Elections. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments