CAUAYAN CITY – Sumailalim sa Financial Literacy and Leadership Training ang 61 na miyembro ng Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ng Quirino Province sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Layunin nitong magkaroon nang mas malalim na kaalaman tungkol sa pangmatagalang hanapbuhay o pagkakakitaan.
Natalakay sa training ang Simple bookkeeping, financial literacy, proper handling and management of micro-enterprise, leadership training, at organizational building.
Ang inisyatibang ito ay mula sa pakikipagtulungan ng DSWD Field Office 2, TAM-AN-Banaue Multi-purpose cooperative (BMPC), at National Irrigation Authority (NIA).
Facebook Comments