Inalmahan ng grupong Alliance of Concerned Teachers o ACT Partylist ang pahayag ng National Economic and Development Authority o NEDA na hindi maituturing na Food Poor ang isang Pilipinong may PHP 64 na budget sa pagkain sa isang araw.
Sa ekslusibong panayam ng IFM Dagupan kay ACT Representative France Castro, kinuwestyon nila sa naging pagpupulong kasama ang DTI, kung saan nakuha ang datos ng nasabing bilang.
Diumano, tila binababa nito ang poverty threshold para lamang masabing bumaba ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.
Nilinaw naman ni Castro na patuloy nilang bubusisiin ang nilalaman ng datos na isinaad ng NEDA at DTI sa nagpapatuloy na budget hearing para sa taong 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments