Nasa pitong bilyong piso ang inaasahang ipapanukalang annual budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan para sa taong 2025. Nauna nang Inihayag ito ni Governor Ramon Guico III sa naganap na homecoming ceremony ng 2024 Miss World International Philippines at muling binigyang diin sa naganap na sa flag raising ceremony kahapon sa kapitolyo.
Ang seven billion (P7B) proposed budget ay mas malaki ng nasa P1.3B kumpara sa budget ng probinsya ngayong taong 2024 na nasa P5.7 billion lamang.
Ayon naman kay Vice Governor Lambino, tumaas ang National Tax Allotment o ang Internal Revenue Allotment ng probinsya kaya posible ang nakatakdang ipapanukalang halaga ng annual budget para sa susunod na taon.
Inaasahan na maaprubahan ang itinakdang budget upang mas mas mapalago ang ekonomiya ng lalawigan na nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨