Aprubado na ng provincial board ang 7.1B pesos budget ng Pangasinan para sa taong 2025, mas mataas ng halos 25 porsyento mula sa 5.7 billion pesos na budget noong nakaraang taon.
Nasa 3.03B ang ilalaan sa social services sector, 2.68B para sa general services sector samantalang 1.38B naman sa economic services sector. Dagdag pa rito ang nasa 1.91B na maintenance and operating expenses, 1.18B sa Development fund, 1.28B sa special purpose appropriation at 350M sa disaster risk reduction and management.
Ilan lamang sa paglalaanan pa ng naturang budget ay ang itinatag na genome center at ang bagong building na itatayo para sa Pangasinan Polytechnic College, gayundin ang scholarship program, mga bagong ospital, mas pinalawig na healthcare programs, dialysis center maging ang salt production sa Salt Center.
Layon pa ng pamahalaang panlalawigan na mapaganda ang pagkolekta ng tax sa probinsya upang mas mapaangat ang ekonomiya ng probinsya.
Ginawa Ang Pag apruba sa budget noong Oktubre 28. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨