Nabigyan ang 7,369 na residente ng Ilocos Region ng kopya ng kanilang birth certificate sa ilalim ng programang Birth Registration Assistance Project ng Philippine Statistics Authority Region 1.
Sa datos ng PSA Region 1, 285 ang mula Ilocos Norte; 955 sa Ilocos Sur; 846 sa La Union; samantalang 5,283 naman sa Pangasinan.
Ang mga nabenipisyuhan ng programa ay mula sa marginalized sector, Indigenous people at mga mahihirap.
Kasabay na rin niyan ang pagpaparehistro sa kanila sa Philippine Identification System.
Malaking porsyento sa naitalang bilang ay pawang mga matatanda na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments