
CAUAYAN CITY – Sabay-sabay na nag-isang dibdib ang pitumpuβt tatlong couples sa isinagawang Kasalang Bayan sa FL Dy Coliseum, Cauayan City, ngayong araw, ika-12 ng Pebrero.
Handog ito ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan para sa mga magkaparehang nais gawing legal ang kanilang pagsasama.
Sa panayam ng IFM News Team kina Rogelio Layugan at Yolanda Layugan, ibinahagi nilang ngayon lamang sila ikinasal matapos ang apatnapung (40) taon na pagsasama dahil sa kakulangan sa pera.
Anila, nagpasya silang sumali sa kasalang bayan upang maging ganap at wala nang masabi ang kanilang mga anak.
Samantala, nagpasalamat naman sina Joyce Valiente at Mark John Baroga sa oportunidad na ibinigay ng LGU Cauayan.
Ayon sa kanila, may isa na silang anak na bunga ng kanilang pagmamahalan kaya malaking biyaya ang makasal sa naturang programa.
Narito ang maikling kuwento kung paano sila nagkakilala at ang kanilang mensahe sa isa’t isa.
Kuwento naman ni Maricris Materum
nagkakilala sila ni Donald Daqiouag sa isang kompanya at nagpatuloy ang kanilang komunikasyon hanggang sa silaβy magkahulugan ng loob.
Samantala, namahagi naman ng mga regalo si Cauayan City Mayor JC Dy sa mga bagong kasal, bagay na labis na ikinatuwa ng lahat.
Ang Kasalang Bayan ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaang lungsod upang suportahan ang mga pamilyang CauayeΓ±o at pagtibayin ang halaga ng kasal at pamilya sa komunidad.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










