
βCauayan City – Walong malalamig na bangkay ng mga skiers ang natagpuang patay matapos ang pagguho ng niyebe habang pauwi na ang 15 skiers mula sa tatlong araw na paglalakbay nitong Martes ika-17 ng Pebrero, 2026 sa Castle Peak Area sa California.
βAyon kay Nevada County Sheriff Shannan Moon, halos 15 skiers ang napaulat na nawawala noong Martes matapos bumagsak ang isang bloke ng niyebe pababa sa Castle Peak area bandang alas 11 ng umaga, kabilang sa mga nasawi ang tatlong tour guide na mula sa Blackbird Mountain Guides.
Samantala, anim na skiers naman ang nailigtas sa kabila ng mapanganib na kondisyon ng panahon, kabilang ang malakas na pag-ulan ng niyebe na umabot sa mahigpit dalawang pulgada bawat oras.
Ayon sa mga nakaligtas, magkakasama ang grupo nang biglang may sumigaw ng βavalancheβ bago sila tuluyang natabunan ng rumaragasang niyebe.
ββSamantala, upang makahingi ng tulong ay kaagad na gumamit ng satellite SOS message at emergency beacons ang mga nakaligtas .
Tatlo sa mga bangkay ang natagpuan ng mga survivor bago dumating ang mga rescuer.
βPatuloy naman ang isinasagawang operasyon ng mga search-and-rescue team ngunit nahaharap sa matinding hamon dulot ng masamang panahon.
βNaabisuhan na rin ang mga pamilya ng mga biktima habang inihahanda ang pagsasagawa ng autopsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










