Aabot sa higit walong bilyong piso ang nakikitang lugi sa industriya ng palay sakaling maimplementa ang mababang taripa sa imported na bigas ayon sa Bantay Bigas.
Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, bababa sa syete pesos ang magiging presyo ng palay sa Pilipinas sa darating na anihan dahil mababang taripa ng mga inaangkat na bigas.
Aniya, ang makikinabang lamang dito ay ang mga exporting countries, traders at importers.
Dagdag pa ni Estavillo, hindi umano natupad ang ipinangakong 20 pesos na kada kilo ng bigas at ngayon nararanasan ang pinakamataas na presyo nito sa loob ng labing limang taon.
Hindi umano bababa ang presyo nito kung importasyon lamang ang nakikitang solusyon ng gobyerno.
Samantala, sa darating na SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos inaasahan ng grupong Bantay Bigas na nagsasaad ito ng totoong kalagayan sa krisis na kinakaharap ng mga magsasaka sa usaping agrikultura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨