𝟵𝟬-𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗥𝗔𝗠𝗠𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗬𝗡𝗢 𝗜𝗜𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Natapos na ang siyamnapung araw na preventive suspension na inihain kay Urdaneta City Mayor Julio Parayno III noong August 12 dahil sa umano’y paglabag sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business Law.

Ang pinag ugatan ng suspensyon ng alkalde ay dahil sa pagpapasara nito ng isang poultry farm na kumpleto ang isinumiteng requirements.

Matatandaan na kasamang nasuspinde ng alkalde ang Head ng Business Processing and Licensing Office na si Ronaldo San Juan na natapos na rin ang preventive suspension.

Kahit suspendido ay nakapaghain ng kandidatura para sa 2025 Midterm Elections ang alkalde habang umuusad ang imbestigasyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments