𝟵𝟬 𝗗𝗔𝗬𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗬𝗡𝗢 𝗜𝗜𝗜

Suspendido si Urdaneta City Mayor Julio Parayno III matapos makitaan ng paglabag sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business Law.

Sa naturang violation, inireklamo ng isang poultry farm ang hindi pag-isyu ng kaukulang permit gayong kompleto at sumusunod naman umano sa mga itinakdang requirements.

Kabilang sa preventive suspension order ang head ng Business Processing and Licensing Office ng lungsod na si Ronaldo San Juan.

Nilagdaan ni Governor Ramon Guico III ang suspension order noong August 8..

Kaugnay nito,hindi nililimitahan ng naturang kautusan na maisagawa ng opisyal ang tungkulin nito sa kanyang nasasakupan gayundin ang paghahain ng dokumento para sa kandidatura.

Epektibo ang preventive suspension order ng alkalde simula August 12 at magtatagal ng 90 days habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng ARTA ukol sa nabanggit na reklamo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments