𝟵𝟴 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗫 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝟯𝟯 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗘𝗫𝗖𝗜𝗦𝗘 𝗧𝗔𝗫

Ininspeksyon ng Bureau of Internal Revenue Regional Office 1 ang nasa 161 establisyimento sa apat na lalawigan sa rehiyon upang siguraduhin na sumusunod ang mga ito sa ipinatutupad na tax regulations.

Nadiskubre na may 98 establisyimento ang lumabag sa umiiral na tax regulations ng BIR at napadalhan na rin ng karampatang abiso mula sa tanggapan.

Ayon kay Atty Ted Teodulo Paragas Jr. mula sa Regional Investigation Division, kinasuhan ng BIR ang 33 establisyimento na natuklasang hindi nagbabayad ng excise tax.

Binigyang diin ni Paragas ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis ng mga business establishment upang hindi maharap sa kaukulang kaso at patas na maipatupad ang pagpapataw ng buwis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments