₱1.8 BILLION BUDGET NG DAGUPAN PARA SA 2026, APRUBADO NA

Naaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang 2026 Annual Budget ng lungsod na nagkakahalaga ng ₱1.838 bilyon, na itinuturing na pinaka maaga at pinakamabilis na pag-apruba sa kasaysayan ng lungsod.

Ayon sa tala ng Sangguniang Panlungsod na, dumaan sa masusing pagsusuri at deliberasyon ang panukalang pondo bago ito tuluyang inaprubahan.

Kasabay nito, inaprubahan rin ang ₱2.66 bilyong Annual Investment Program (AIP) para sa 2026, gayundin ang City Disaster Risk Reduction and Management Plan at Local Climate Change Action Plan para sa mga taon 2026–2028.

Layunin ng maagap na pag-apruba na matiyak ang maagang implementasyon ng mga proyekto sa edukasyon, kalusugan, imprastruktura, kabuhayan, at pangkaligtasan.

Matatandaan na sa mga nakaraang taon, naantala ang pagpasa ng budget, ngunit tiniyak ng kasalukuyang konseho na magiging mabilis at maayos na ang proseso upang agad na mapakinabangan ng mga Dagupeño ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Facebook Comments