₱1000 polymer banknotes, inilabas na ng BSP

Iprinisinta ng Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa isang seremonya kahapon sa Malakanyang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong ₱1,000 bank note.

Ang nasabing ₱1000 polymer bank note ay may bagong features at design para maiwasang mapeke.

Kabilang sa security features nito ay sampaguita clear window, serial numbers, shadow thread, vertical clear window, metallic features, embossed print, enhanced value panel, flying eagle at marami pang iba.


Dahil nasa panahon pa ng pandemya at marami ang nagsa-sanitize ngayon ng pera, ligtas ding i-sanitize ang bagong ₱1,000 polymer bank note.

Ayon sa BSP, nakatakdang dumating sa Pilipinas ang unang batch ng Philippine peso banknotes na gawa ng polymer galing Australia at maaari itong magamit sa kalagitnaan ng taon.

Facebook Comments