Nasamsam ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱105,400 mula sa isang 40-anyos na construction worker sa isang operasyon sa bayan ng Tayug, Pangasinan, madaling araw ng Enero 7, 2026.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa mismong bahay ng suspek sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Sa operasyon, narekober mula sa suspek ang humigit-kumulang 15.5 gramo ng hinihinalang shabu na nakapaloob sa anim na maliliit na pakete.
Bukod sa ilegal na droga, nakumpiska rin ang dalawang piraso ng bala para sa caliber .38 bilang non-drug evidence.
Isinagawa ang marking at imbentaryo ng mga ebidensya alinsunod sa itinakda ng batas.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tayug Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaugnay na kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










