₱149-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa isang high value target sa Lapu-Lapu City

57

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang mahigit ₱146 million na halaga ng shabu matapos mahuli ang isang high value target sa Lapu-Lapu City.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang arestado na si Gilbert Fuensalida Lumanog, 30 anyos at residente ng Brgy. Busay, Cebu City.


Isinagawa ang drug buy-bust operation sa Sitio Lawis, Brgy. Suba-Basbas.

Nakumpiska sa drug operation ang 22 kilo ng hinihinalang shabu, mga boodle money, isang unit ng black Toyota Vios na gamit ng suspek sa transportasyon.

Facebook Comments