Total Active Cases ng COVID-19 sa Isabela, Nabawasan

105

Cauayan City, Isabela- Bumaba ang total active cases ng Covid-19 sa Lalawigan ng Isabela sa kabila ng pagkakatala ng mga panibagong kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, bumaba sa 376 ang total active cases ng Isabela kahit na nakapagtala ng labing siyam (19) na panibagong kaso.


Mula sa 19 na new cases sa Isabela, siyam (9) ang naitala sa Lungsod ng Cauayan, anim (6) sa City of Ilagan, dalawa (2) sa Santiago City at tig isa (1) sa bayan ng Luna at Benito Soliven.

Umabot naman sa 874 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa lalawigan habang labing dalawa (12) ang naitalang nasawi.

Facebook Comments