₱186-M na pondo, nakalaan para sa cash gift sa mga Filipino centenarian ngayong taon

Tiyak na matatanggap ng mga aabot sa 100 taong gulang ngayong 2024 ang kanilang 100,000 pesos na cash gift.

Ayon kay Quezon City Representative Marvin Rillo, ₱186 million ang inilaan sa 2024 national budget para sa tax free cash gift sa mga Filipino centenarian.

Alinsunod aniya ito sa itinatakda ng Centenarians Law of 2016 na lahat ng natural born Filipinos, naninirahan man sa Pilipinas o sa abroad ay pagkakalooban ng ₱100,000 one-time cash gift bukod sa letter of felicitation sa pangulo pagsapit nila ng 100 years old.


Sabi ni Rillo, ngayong taon ay kasama si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa makatatanggap ng nabanggit na benepisyo dahil siya ay nagdiriwang ngayong Valentine’s Day ng ika-100 kaarawan.

Binanggit ni Rillo na sa records ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay umaabot na sa ₱1.2 billion ang nailabas na cash gift sa 12,187 centenarians mula noong 2017.

Facebook Comments