Pag-access ng mga LGU sa NDRRMC Fund, inamyendahan

Mas madali na ang pag-access ng mga Local Government Unit (LGU) sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).

Ito ay matapos amyendahan ng NDRRMC ang pag-access sa NDRRM Fund na magagamit sa repair, reconstruction at rehabilitation ng nasirang imprasktarktura dulot ng kalamidad.

Kung dati kasi, prayoridad ang 4th hanggang 6th income class LGU para sa NDRRM Fund, ngayon ay inalis na ang income classification para sa mas mabilis na paglalabas ng pondo.


Ayon sa NDRRMC, batid nila na kritikal ang suporta ng national government sa mga LGU sa panahon ng kalamidad kaya napapanahon na ang mas mabilis na paglalabas ng mga pondo.

Matatandaang nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na pabilisin ang pagkukumpuni ng mga sirang imprastraktura lalo na yung mga kailangan para sa response operations.

Facebook Comments