₱25-M iligal na vape products, nakumpiska ng DTI sa loob lamang ng 5 buwan ngayong taon

Aabot na sa mahigit ₱25 milyon ng iligal na vape products ang nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) sa loob lamang limang buwan ngayong taon.

Ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara sa ₱5 milyon noong nakaraang taon.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, mas papaigtingin pa ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, o Vape Law.


Paglabag sa Rule 6 Section 1 o mahigpit na ipinagbabawal ang pag-package, at pagpresenta ng flavor vapes o mayroon pang mga cartoon characters na nakakapang-akit sa mga menor-de-edad.

Sa ngayon, nananawagan ang DTI na i-report sa kanila kung sino man ang iligal na nagbebenta, gumagawa, at namamahagi ng ipinagbabawal na mga vape products.

Facebook Comments