Professional Regulation Commission, inilabas na ang mga pumasa sa Certified Public Accountants Licensure Examination ngayong taon

Aabot sa 3,155 examiners na kumuha ng ng Certified Public Accountants Licensure Examination (CPALE) ang pumasa ngayong 2024.

Ang nasabing bilang ay mula sa mahigit 10,421 na kumuha ng CPALE.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), nanguna sa nasabing eksaminasyon ay sina Nicole Agoy Gonzales mula sa University of the Cordilleras at Hazel Ann Concepcion Sera ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na nakakuha ng 90.83 percent rating.


Isinagawa ang CPALE noong May 26, 27 at 28 sa iba’t ibang testing centers sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga at Puerto Princesa, Palawan.

Facebook Comments