Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga ang pamamahagi ng ₱5,000 cash assistance sa mga tricycle driver sa Maynila, sa ASAC Covered Court, Barangay 627, Sta. Mesa.
Layunin ng programa na tulungan ang mga tsuper sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Tinatayang 139,000 tricycle drivers sa National Capital Region (NCR) ang makikinabang mula sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Kabilang sa mga unang benepisyaryo ang mga tricycle driver sa Maynila, at makakasama ng pangulo sa pamamahagi sina Transportation Secretary Giovanni Lopez at Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.
Ayon kay Pangulong Marcos, susunod ding bibigyan ng ayuda ang mga tricycle driver sa labas ng NCR, pati na rin ang mga tsuper ng jeepney at Transportation Network Vehicle Services
(TNVS), bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa sektor ng transportasyon.
