₱53.27-B na maternity benefit, naipalabas ng SSS mula 2016 hanggang 2021

45

Abot na sa ₱53.27-B na maternity benefit ang naibigay ng Social Security System (SSS) sa may ₱1.91-M na miyembro nito mula 2016 – 2021.

Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, nagkaroon ng mataas na disbursement simula noong 2019 kasabay ng implementasyon ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Law na pinagtibay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinakamataas na nabayaran ng SSS ay noong 2021 na umabot sa ₱13.90-B.


Sa ilalim ng naturang batas, nadagdagan ang leave credits ng mga bagong panganak na babaeng Pilipino.

Dahil mula 60 days paid leave (para sa normal delivery) at 78 days (caesarean section delivery) ito ngayon ay ginawa nang 105 days paid leave.

Facebook Comments